^

Probinsiya

2 HVT tiklo sa P.6M shabu

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
2 HVT tiklo sa P.6M shabu
Kinilala ni Cavite Provincial Director Sr. Supt William Segun ang mga suspek na sina Amer Sultan Esmael, 25-anyos; Namrodin Naga Sultan, 25, kapwa residente ng Brgy. Datu Esmael, Dasmariñas City, umano’y mga kilalang bigtime na tulak at supplier ng shabu sa ilang lugar ng lalawigan.
File Photo

CAVITE, Philippines — Nadakma ang dalawang umano’y high value target (HVT) ng pulisya matapos makumpiskahan ng P.6 milyong halaga ng droga sa isang drug bust operations sa harapan ng isang mall sa Brgy. Anabu 2, Imus City kahapon.

Kinilala ni Cavite Provincial Director Sr. Supt William Segun ang mga suspek na sina Amer Sultan Esmael, 25-anyos; Namrodin Naga Sultan,  25, kapwa residente ng Brgy. Datu Esmael, Dasmariñas City, umano’y mga kilalang bigtime na tulak at supplier ng shabu sa ilang lugar ng lalawigan.

Sa ulat mula kay P/Staff Master Sgt. Angelito Roxas, ala-1:00  ng hapon nang ikasa ng pinagsanib na puwer­sa ng PDEA 4-A, Drug Enforcement Unit-Bacoor Police, DEU ng Imus Police at PDEA Cavite ang buy-bust operation laban sa mga suspek sa tapat ng isang mall sa Aguinaldo Highway sa Anabu 2. Habang nakakubli ang mga awtoridad at naghihintay ng signal sa tumayong scorer, naging positibo ang deal at nang magkaabutan ng droga at marked money ay dito na dinakma ang mga suspek at nakuha sa kanila ang may 100 gramo ng shabu na aabot sa halagang P680,000.

vuukle comment

HIGH VALUE TARGET ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with