11 ‘tulak’ arestado sa buy-bust
MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Labing-isang “tulak” ang inaresto ng Bulacan Police sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa lalawigan kahapon.
Sa bayan ng Bocaue, Bustos at Marilao, naaresto sina Gerardo Moreno, 46; John Robert Amora, 22; Allan Adrian Santillan; Lawrence Abello, 35; Monaliza Sindora, 37; Christopher de Guzman at isang 17-anyos na lalaki.
Nadakip ang mga suspek dakong ala-1:35 ng madaling araw habang nagbebenta ng shabu sa isinagawang buy-bust operation.
Nasamsam sa mga suspek ang 18 plastic sachet ng shabu at 11 plastic sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana.
Sa Meycauayan, Malolos at bayan ng Hagonoy, naaresto naman sina Antonio Lopez, 41; Kevin Mangalino, 26; Sho Shimizu, 22 at Dindo Cordero, 38.
Nakuha sa mga suspek ang 7 plastic sachet ng shabu at isang plastic sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana.
- Latest