^

Probinsiya

2 ‘tulak’ bulagta sa buy-bust

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon
2 �tulak� bulagta sa buy-bust
Kinilala ni Police Col. Leon Victor Rosete, Nueva Ecija Police provincial commander, ang dalawang napatay na sina Juanito Reyes, ng Brgy. San Juan, Aliaga, NE; at Rhandel Ignacio ng Brgy. San Juan Accfa, Cabanatuan City.
File Photo

NUEVA ECIJA, Philippines — Nasawi ang dalawang hinihinalang drug suspect makaraang manlaban umano sa magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa lalawigan, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ni Police Col. Leon Victor Rosete, Nueva Ecija Police provincial commander, ang dalawang napatay na sina Juanito Reyes, ng Brgy. San Juan, Aliaga, NE; at Rhandel Ignacio ng Brgy. San Juan Accfa, Cabanatuan City.

Sa ulat ng Aliaga Police, nagsagawa umano sila ng buy-bust operation sa Brgy. San Emiliano, Aliaga, bandang alas-8:30 ng gabi noong Lunes laban sa suspek na si Reyes. Nakatunog si Reyes na pulis ang katransaksyon kaya bumunot ng baril at ipinutok sa poseur-buyer na nakailag at nakaganti ng putok na ikinamatay ng suspek na nakuhanan ng isang plastic sachet ng umano’y shabu at caliber .38 baril nito.

Samantala, alas-11:30 ng gabi noong Linggo nang mapatay ng mga pulis sa shootout sa Brgy. Carmen, Zaragoza ang dayong si Ignacio na nasa drug watchlist ng Cabanatuan City. Nakuha sa suspek ang tatlong plastic sachet ng umano’y shabu, 1 caliber .38 revolver, at P1,000 buy-bust money.

vuukle comment

DRUG WAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with