^

Probinsiya

Moviegoer kalaboso kay Spiderman

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Philippines — Kalaboso ang isang 23-anyos na moviegoer makaraang maaktuhang kinukunan ng video sa pamamagitan ng kanyang cellphone ang pelikulang pinanonood sa sinehan ng mall sa Barangay Ibabang Dupay ng lungsod na ito.

Kinasuhan ng paglabag sa RA 10088 o Anti Camcording Act of 2020 ang suspek na si Lucky Opalsa, 23, may asawa, production personnel ng Coconut Processing at residente ng Brgy. Malabanban Norte, Candelaria, Quezon.

Ayon sa ulat, dakong alas 3:30 ng hapon habang nagsasagawa ng roving inspection sa loob ng mall ng Lucena ang operation supervisor na si Maria Rona Vacalares ay nakatawag ng pansin sa kanya ang liwanag sa gawing gitnang itaas ng sinehan. 

Nang lapitan ay naaktuhan nito ang suspek na bini-videohan ang bagong pelikulang Spiderman gamit ang isang VivoV2 cellphone. Umabot na umano sa 4 na minuto at 14 na segundo ang nai-video ng suspek at iyon ay ipinadala sa kaibigan gamit ang messenger.

vuukle comment

ARRESTED FOR CAMCORDING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with