^

Probinsiya

Coastguard pinasok, kinatay ng 2 ‘Akyat-Bahay’

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE , Philippines  —  Isang mister na miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) ang agaw-buhay matapos na pagsasak­sakin ng kanilang dalawang dating electrician na hinihinalang mga  miyembro ng “Akyat Bahay Gang” nang maaktuhan nito ang mga sus­pek na nagna­na­kaw sa loob mismo ng kanyang bahay sa Brgy. Layong Mabilog, Maragondon ng lalawigang ito kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Jun Jun Martal,  30-anyos, na nagtamo ng mga saksak sa katawan. Bagama’t hindi nasaktan, tulala ang misis nito na    si Maylyn, 24-anyos, dahil sa pangyayari.

Arestado naman ang isa sa suspek na nakila-lang si Raymart Camacho 31-anyos, residente ng Caloocan City habang tinutugis ang kasama nitong si Alfred Abata, ng Brgy. De Ocampo, Trece Mar­tirez City.

Sa ulat, dakong alas-2:00 ng mada-ling araw habang nasa kasarapan ng tulog ang mag-asawang Martal nang maalimpungatan ang mister kung kaya bumangon upang mag-CR. Subalit nabulaga siya nang makita sa loob ng kanilang bahay ang dalawang lalaki na ang isa rito ay nakahubad pa pang-itaas.  Hindi pa nakakapagsalita ang biktima, agad na siyang sinugod ng mga suspek at inundayan ng sunud-sunod na saksak.

Kahit na duguan, pilit na nanlaban ang mister sa mga suspek at nagsisigaw ng tulong. Agad namang narinig ng mga kapitbahay kaya mabilis na sumaklolo hanggang sa masukol ang isang kawatan at nakatakbo ang kasama.

Mabilis na isinugod sa pagamutan ang mister na nagtamo ng ilang tama ng saksak habang narekober ng pulisya ang patalim na ginamit sa krimen.

Sa imbestigasyon, sinabi ng pulisya na ang dalawang suspek ay ang nag-ayos ng mga electrical wirings sa bahay ng pamil­ya Martal kung kaya napag-aralan nila kung paano ito pasukin.

vuukle comment

AKYAT BAHAY

PHILIPPINE COAST GUARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with