^

Probinsiya

Tangke ng LPG sumabog: 300 bahay natupok

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE  , Philippines  —   Aabot sa mahigit sa P1 milyong halaga ng ari-arian at nasa 300 kabahayan ang natupok habang tatlo ang sugatan nang sumiklab ang sunog  dahil sa pagsabog ng tangke ng LPG kahapon ng umaga sa Aguinaldo Highway, Sitio SIlangan, Brgy. Talaba 7, Bacoor City.

Nakilala ang mga sugatan sa sunog na sina Jovel Tindugan,  61, dahil sa mild stroke; Enriquita So, 57, nawalan ng malay sanhi ng paninikip ng dibdib at Gemena Galono, 21, na nagtamo ng mga sugat at galos sa insidente.

Sa ulat, alas 6:30 ng umaga nang bigla na lamang umanong isang malakas na pagsabog ang naganap mula sa bahay ng isang alias Omar at dito na nagliyab at mabilis na kumalat ang apoy sa mga katabing bahay.

Umabot ng 4th alarm ang sunog at tumagal ito ng may mahigit sa tatlong oras bago tuluyang naapula. 

vuukle comment

FIRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with