^

Probinsiya

3 todas sa drug ops

Christian Ryan Sta. Ana, Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

NUEVA ECIJA, Philippines  —  Patay ang tatlong hinihinalang drug pusher habang sugatan ang isa pa makaraang makipagbarilan sa pulisya sa magkakahiwalay na buy-bust operations ng pulisya sa lalawigan kamakalawa.

 Kinilala ni Police Col. Leon Victor Rosete, Nueva Ecija Police provincial commander, ang tatlong napatay na sina Dennis San Gabriel Sr., 43, may-asawa, jobless ng Brgy. Talipapa, Cabanatuan City; Ernesto Estevez, alyas “Jun”, ng Brgy. Mabini Extension, Cabanatuan City at Mark Roland Galang alyas “Buboy”, 22, ng Silangan, Quezon City.

 Bantay-sarado naman sa isang ospital ang su­gatang suspek na si Bobby Hicarte, 26, at pinagha­hanap ang kasabwat ng napaslang na si alyas “Buboy”.

 Ayon sa Cabanatuan City Police, alas-4:50 ng madaling-araw, nang manlaban at mapatay si San Gabriel Sr. sa buy-bust sa Purok 5, Brgy. Talipapa. Nakuha sa suspek ang 11 plastic sachet ng umano’y shabu; isang cal .45 at P500 buy-bust money.

 Patay din sa Brgy. Rio Chico, dakong alas-4:30 ng hapon ang dayong  si Estevez nang manlaban habang inaaresto. Narekober sa kanya ang isang P1,000 bill (buy-bust money), isang calibre 38 revolver, at 1 plastic sachet ng umano’y shabu.

Sinabi naman ni Lt. Col. Heryl Bruno, hepe ng San Jose City Police Station na bumulagta si Galang nang manlaban sa mga operatiba matapos magbenta ng isang plastic sachet ng marijuana sa Rufina Homes 2, Zone 4, Brgy. Malasin dakong alas-8:50 ng gabi at nakatakas ang isa nitong kasama lulan ng motorsiklong Mio.

Sa Cabiao, hindi napuruhan si Hicarte nang manlaban umano at mabaril ng mga pulisya sa buy-bust sa Brgy. San Fernando Sur, alas-4:30 ng hapon. 

vuukle comment

BUY-BUST OPERATIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with