^

Probinsiya

HS stude pumalag sa rape, pinalakol ng stepdad

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
HS stude pumalag sa rape, pinalakol ng stepdad

NORTH COTABATO  , Philippines  —   Kalunos-lunos na kamatayan ang sinapit ng isang 17-anyos na high school student makaraang pagsasaksakin at palakulin ng ama-amahan nang manlaban matapos siyang pagtangkaang gahasain sa Brgy. Upper Glad 1, Midsayap North Cotabato, kahapon ng umaga.

Nakilala ang nasawi na si Jeanny Mae Rollan, Grade 11 ng Saint Jude College at residente ng housing area ng Brgy. Upper Glad 1, Midsayap North Cotabato.

Nakakulong na ang suspek na stepfather na si Jesus Socito, nasa hustong gulang.

Sa ulat, naganap ang krimen alas 5:10 ng umaga sa tahanan ng biktima at suspek. Tinangka umano ng suspek na gahasain ang dalagita ngunit nanlaban ang huli. Kumuha ng itak ang stepfather saka pinagtataga ang biktima. Hindi pa nakuntento ang amain kaya kumuha ng palakol at pinalakol ang ulo at mukha ng anak-anakan.

Patay agad ang dalagita nang magtamo ng malaking sugat sa ulo at mukha.

Agad namang sumuko ang suspek sa kanyang mga kapitbahay at mga opisyal ng barangay.

vuukle comment

CRIME

RAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with