^

Probinsiya

‘NPA’ na suspek sa pag-atake, itinumba

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan  , Philippines  —   Brutal na pinatay ng mga berdugo ang sinasabing rebeldeng New People’s Army (NPA) na isinasangkot sa paglusob noong Abril sa bahay ng kanilang opisyal ng barangay matapos siyang tambangan sa Brgy. Colorado, San Guillermo, Isabela noong Huwebes. 

Duguang nakabulagta sa lupa matapos dumausdos sa kanyang motorsiklo ang biktima na si Alberto Gumallaui, 48, nang ratratin pa sa ulo ng killer dakong alas-4:30 ng hapon, ayon sa report na nakarating kay Maj. Mariano Marayag,  hepe ng San Guil­lermo Police. 

Hinayaan namang maka­takas ng mga suspek ang ang­kas na lolo ni Gumallaui na si Lucas Pinao-An, 68, upang makahingi ng saklolo para dalhin ang biktima sa ospital subalit idineklara nang patay ng mga manggagamot.

Isa si Gumallaui na isina­sangkot ng mga saksi sa pag­lusob sa bahay ng kanilang kapitan sa Barangay Burgos na si Eliseo Miguel at Kagawad Rolan Piscador noong kainitan ng kampanya ng nakaraang halalan.

Sa insidente, sugatang tinamaan sa puwet ang isang bisita ni Piscador nang pagbabarilin ng mga armado ang bahay nila ni Miguel.

vuukle comment

CRIME

NEW PEOPLE’S ARMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with