^

Probinsiya

Engkuwentro sa plantasyon: 3 bulagta

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Engkuwentro sa plantasyon: 3 bulagta
Sinabi ni Maguindanao Police Director, P/Col. Ro­nald Briones na nagkasagupa ang grupo nina Kumander Tommy at Adrex Cali sa plantasyon ng saging sa Barangay Tukanalugong alas-2:30 ng hapon.

MANILA, Philippines — Nasawi ang tatlo katao makaraang sumiklab ang labanan sa pagitan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at mga armadong sekyu ng isang plantasyon ng saging sa Brgy. Tukanalugong, Datu Abdullah Sangki, Maguindanao kamakalawa.

Sinabi ni Maguindanao Police Director, P/Col. Ro­nald Briones na nagkasagupa ang grupo nina Kumander Tommy at Adrex Cali sa plantasyon ng saging sa Barangay Tukanalugong alas-2:30 ng hapon.

Ang mga nasawi sa panig ng MILF ay kinilalang sina Datu Ila Mohammad at Toy Taha, habang sa panig ng mga guwardya ng plantasyon na pinamumunuan ni alias Kali ay hindi pa natutukoy.

Sugatan naman sa insidente ang isang Tanto Abdul, isang civilian security volunteer na dinala sa Isulan Provincial Hospital sa Isulan, Sultan Kudarat.

Personal na alitan sa pamilya dahil sa pinag-aagawang lupang sakahan ang umano’y dahilan ng bakbakan na tumagal ng mahigit isang oras kaya daan-daang sibilyan ang lumikas patungo sa mas ligtas na lugar. Humupa lamang ang engkwentro nang dumating ang mga pulis at sundalo habang patuloy ang mapayapang negosasyon ng mga lokal opisyal para resolbahin ang gulo ng dalawang grupo.

vuukle comment

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with