^

Probinsiya

Tanggapan ng KAPA, ni-raid ng NBI

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Tanggapan ng KAPA, ni-raid ng NBI
Wala si Pastor Joel Apolinario nang isinagawa ng NBI ang pagsalakay at ang mga abogado lamang at legal team ng KAPA Ministry sa pangunguna ni Atty. Eduardo Pescadero ang dumating at nakipag-usap.
facebook

NORTH COTABATO , Philippines  —  Sinalakay ng National Bureau of Investigation (NBI) ang bahay ng founder ng Kapa Community Ministry International Inc. sa Brgy. City Heights, Ge­neral Santos kahapon ng tanghali.

Bitbit ng NBI ang search warrant na pirmado ng RTC Branch 20 ng National Capital Region kaugnay sa paglabag sa Section 26 ng Securities and Exchange Commission (SEC).

Wala si Pastor Joel Apolinario nang isinagawa ng NBI ang pagsalakay at ang mga abogado lamang at legal team ng KAPA Ministry sa pangunguna ni Atty. Eduardo Pescadero ang dumating at nakipag-usap.

Dahil dito,  pansamantalang itinigil ang operasiyon ng KAPA ng pitong araw simula kahapon,  araw ng Lunes. 

Kaugnay nito, magsasagawa naman ng prayer rally ang lahat na miyembro ng KAPA bukas, sa may Oval Plaza sa General Santos City. 

Ang pagsalakay sa mga investment scheme tulad ng KAPA ay kasunod ng pahayag ni Pangulong Duterte na ipasara ang mga ito dahil ito ay scam. 

vuukle comment

KAPA COMMUNITY MINISTRY INTERNATIONAL INC.

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PASTOR JOEL APOLINARIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with