^

Probinsiya

‘Bully’ tinadtad ng 2 obrero

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

Nangutya sa maruming kasuotan

ALABAT, Quezon , Philippines  —  Naging mitsa ng kamatayan ng isang obrero ang pambu-bully nito sa dalawang kapwa obrero makaraang pagtulungang saksakin kamakalawa ng gabi sa Brgy. Villa Victoria, ng bayang ito.

Ang biktima na nagtamo ng mga malalalim na saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ay kinilalang si Kenneth Joshua Rayos, 20, binata at residente ng nasabing barangay habang tumakas ang mga suspek na sina Arman Reporma, 21, at isang alyas Paul; kapwa residente ng Lucena City.

Lumalabas sa imbestigasyon na habang nag-iinuman ang dalawang suspek sa harapan ng ginagawa nilang bahay dakong alas-5:00 ng hapon at makailang beses silang kinutya ng biktima dahilan sa kanilang maruming kasuotan bunsod ng maghapong pagtatrabaho sa construction.

Hindi umano pinansin ng mga suspek ang pambubully ng biktima hanggang sa nagtungo na lamang sila sa kanilang barracks.

Gayunman, alas-10:00 ng gabi ay muling nangulit ang suspek habang nag-iinuman ang dalawa hanggang sa tulu­yang magalit at pagtulungan na nilang pagsasaksakin ang biktima saka mabilis na tumakas.

vuukle comment

BULLYING

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with