^

Probinsiya

8 menor de edad timbog sa ‘damo’

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon
8 menor de edad timbog sa �damo�
Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Rham Christopher alyas MC Larry, 18 anyos; Cyril Boño, 22 anyos, kapwa residente ng Ph. 2 Greengate homes, Brgy Malagasang 2-City, target ng operasyon at ang walong menor de edad na itinago sa mga pangalang Jo,15 anyos; John, 16, estudyante; James, 14 anyos; Keve, 13; Carmelo, 14, estudyante, pawang mga residente ng Brgy. Malagasang; Tin, 15, High School student, residente ng Brgy Victoria, Dasmariñas City; Ruth, 17, student, residente ng Brgy. Salitran, Dasmariñas City; Ana, 14, student, residente ng Brgy Sabang, Dasmariñas City, Cavite.
Joven Cagande

Cavite, Philippines — Isang grupo ng mga kabataan na nasa edad lamang na 13 hanggang 17 anyos at tatlo pang target na suspek ang naaresto ng Imus Police dahil sa pagtutulak ng Marijuana sa isinagawang buy bust operation  sa Barangay Malagasang 2-C, Imus, Cavite kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Rham Christopher alyas MC Larry, 18  anyos; Cyril Boño, 22  anyos, kapwa residente ng  Ph. 2 Greengate homes, Brgy Malagasang 2-City, target ng operasyon  at ang walong menor de edad na itinago sa mga pangalang Jo,15 anyos; John, 16, estudyante; James, 14 anyos;  Keve, 13;  Carmelo, 14, estudyante,  pawang mga residente ng Brgy. Malagasang; Tin, 15, High School student,  residente ng Brgy Victoria, Dasmariñas  City; Ruth, 17, student, residente ng Brgy. Salitran, Dasmariñas  City; Ana, 14, student, residente ng Brgy Sabang, Dasmariñas  City, Cavite. 

Sa nakalap na ulat mula kay Cavite Provincial Director Police Sr. Supt. William Segun,  alas-4:20 ng mada­ling araw nang magsagawa ng buybust operation ang Imus Police kasama ang ilang miyembro ng PDEA sa Brgy. Malagasang 2-C at target  nito si  Rham Christopher na nasa kanilang drugwatchlist.

Marijuana ang binebenta ng mga ito at nang isagawa ang buy bust, dito  nila nakita ang mga menor de edad na bukod sa ginawang runner ng mga ito ay gumagamit na din ng marijuana.

Nakuha sa operasyon ang may 11 piraso ng transparent plastic sachet na naglalaman ng mga marijuana.

Itinurn over ng pulisya sa Department of Social Welfare and Development  ang mga naarestong kabataan habang diretso sa presinto ang dalawang target ng operasyon.

vuukle comment

ARRESTED FOR MARIJUANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with