^

Probinsiya

5-anyos ginilitan, isinilid sa eco bag

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
5-anyos ginilitan, isinilid sa eco bag
Ang walang kamuwang-muwang at kalaban-laban na biktima ay si Redelyn Sumague, residente ng Sitio 1, Brgy. Patimbao, Santa Cruz, Laguna. Nagmistulang kinatay na hayop ang biktima dahil sa tinamo nitong malalim na hiwa sa leeg at mga tusok ng icepick sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Napagtripan ng adik na kapitbahay

MANILA, Philippines — Karumal-dumal na kamatayan ang sinapit ng isang 5-anyos na nene sa kamay ng isang kapitbahay na sinasabing ‘adik’ sa droga nang matapos laslasin ang leeg nito at tadtarin ng saksak ng icepick sa iba’t-ibang bahagi ng katawan, ay saka ito isinilid sa isang malaking eco bag na gawa sa sako naganap sa Brgy. Patimbao, Sta. Cruz, Laguna, kama­kalawa ng gabi.

Ang walang kamuwang-muwang at kalaban-laban na biktima ay si Redelyn Sumague, residente ng Sitio 1, Brgy. Patimbao, Santa Cruz, Laguna. Nagmistulang kinatay na hayop ang biktima dahil sa tinamo nitong malalim na hiwa sa leeg at mga tusok ng icepick sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Arestado naman ng mga nagrespondeng ope­ratiba ng pulisya ang suspek na kinilalang si Glenn Ford Manzanero, 30, na inaming lulong umano siya sa droga nang isagawa ng krimen.

Sa ulat, dakong alas-9:00 ng gabi nang madiskubre ang krimen matapos sitahin ng isang kaanak ang suspek hinggil sa nilalaman ng kulay na rosas na malaking eco bag na dala nito.

Sinabi naman ng suspek na may bata sa loob ng dala niyang eco bag at nang buksan ito ng mga kamaganak ng suspek at mga residente sa lugar ay tumambad sa kanila ang duguang bangkay ng bata.

Inireport naman ng mga kamaganak ng suspek ang insidente sa pulisya na nagresulta sa pagkakaaresto dito.

Sa pahayag ng isang testigo sa krimen, ang bata ay nakita umano nilang akay-akay ng suspek matapos itong tawagin at bigyan ng mais con yelo saka isinama.

Himas-rehas na nga­yon ang suspek na nahaharap sa kasong kriminal.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with