^

Probinsiya

Konsehal, tserman 2 pa huli sa baril at bala

Ric Sapnu - Pilipino Star Ngayon
Konsehal, tserman 2 pa huli sa baril at bala
Ang mga nasakote ng mga pulis ay kinilalang sina Atty. Silvestre Austria, 30, municipal councilor ng Jaen; Barangay Josef Chairman Michael Austria, 47; Mario Jalova, 56, at Celso Vicente, 53, pawang residente ng naturang barangay.
File Photo

MANILA, Philippines — Isang municipal councilor, barangay chairman at dalawang iba pa ang inaresto ng mga otoridad matapos makumpiskahan ng mga baril at bala habang nasa labas ng isang paaralan nitong Lunes, araw ng eleksyon, sa Brgy. Apo Esquivel, Jaen, Nueva Ecija.

Ang mga nasakote ng mga pulis ay kinilalang sina Atty. Silvestre Austria, 30, municipal councilor ng Jaen; Barangay Josef Chairman Michael Austria, 47; Mario Jalova, 56, at Celso Vicente, 53, pawang residente ng naturang barangay.

Ayon sa ulat, nakatanggap umano ang mga otoridad ng sumbong mula sa mga concerned citizen sa lugar hinggil sa presensya ng ilang kalalakihan na nasa labas ng Jaen Central School sa Barangay Apo Esquivel.

Agad namang rumesponde ang mga pulis at pinuntahan ang kinaroroonan ng mga suspek na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga ito makaraang makumpiskahan ng iba’t-ibang uri ng baril at mga bala.

Nakuha mula sa apat ang isang Bushmaster rifle cal. 5.56 na may magazine, isang Caspian caliber .40, caliber .9mm pistol na kargado ng 14 bala at ang dalawang service vehicle na Toyota Hi-Ace van na kulay gray at itim na Toyota Vios.

Nahaharap na ngayon sa kasong paglabag sa election gun ban at illegal possession of firearms and ammunition ang apat.

vuukle comment

ARRESTED FOR GUNS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with