^

Probinsiya

3 patay, 9 sugatan sa road mishap

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
3 patay, 9 sugatan sa road mishap
Nagkalat ang dugo at laman ng isang hindi pa natukoy na mister at angkas niyang si Marc Carlo Baccay matapos silang kaladkarin at kanilang motorsiklo ng 200 metro ng pa-norte na EMC bus sa Brgy. Batal dakong alas-2:00 ng madaling araw.

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Malagim na kamatayan ang sinapit ng tatlong katao sa Lunes Santo o ikalawang araw ng Semana Santa sa Santiago City, Isabela.

Nagkalat ang dugo at laman ng isang hindi pa natukoy na mister at angkas niyang si Marc Carlo Baccay matapos silang kaladkarin at  kanilang motorsiklo ng 200 metro ng pa-norte na EMC bus sa Brgy. Batal dakong alas-2:00 ng madaling araw.

Lumalabas na nang agaw ng linya ang bus kaya natumbok ang mga biktima at hindi kaagad napahinto. Sumuko sa mga nagrespondeng pulis ang drayber ng bus na si Ramil de Guzman, 46, na sinasabing naantok nang mangyari ang aksidente.

Sinasabing nakatulog din si Freddie Bermudez, 49, ng Brgy. Sipay, Ilagan City, Isabela nang salpukin ng kanyang minamanehong Nissan Escape van ang bahay ni Bill Antonio sa Brgy. Divisoria makalipas ang dalawang
oras.

Agad nasawi si Bermudez nang tagusang matusok ang kanyang lalamunan ng matulis na kahoy ng bahay na kanyang binangga. Sugatan namang isinugod sa Adventist Hospital ang 9 na kapamilyang pasahero ni Bermudez na kanyang ihahatid sana pauwi mula sa masayang outing.

vuukle comment

CAGAYAN ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with