^

Probinsiya

Pulis pinasok sa bahay saka tinodas

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi na umabot pang buhay sa pagamutan ang isang aktibong pulis nang pasukin sa loob ng kanilang tahanan at pagbabarilin ng isang ‘di pa natutukoy na suspek sa Catbalogan City, Samar, kahapon ng madaling araw.

Sanhi ng tama ng    punglo sa ulo, dead-on-arrival sa Samar Provincial Hospital si Police Staff Sergeant Kirk Walter Lorenzo.

Sa ulat, dakong alas-3:00 ng madaling araw nang maganap ang pa­mamaslang sa biktima   sa loob ng kanilang ta-hanan sa Brgy. Muñoz sa nasabing lungsod.

Kagagaling lamang umano ni Lorenzo sa isang alumni event sa Samar State University (SSU) sa Catbalogan City at kauuwi lamang ng kanilang tahanan nang sundan ng gunman papasok sa kanyang tahanan.

Hindi umano napansin ng biktima na sinundan siya ng salarin na nagku­kubli sa madalim na bahagi ng nabanggit na lugar.

Kasalukuyang nagpapahinga sa sofa ang biktima nang bigla na lamang itong barilin ng suspek na pinuntirya sa ulo saka mabilis na tumakas.

Patuloy ang imbes­tigasyon ng mga otori­dad sa naturang pamamaslang kay Lorenzo.

vuukle comment

COP SHOT DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with