^

Probinsiya

Army utas sa misencounter sa Quezon

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

SAN FRANCISCO, Quezon, Philippines — Hindi na umabot pang buhay sa ospital ang isang miyembro ng Philippine Army makaraang mabaril ng mga tauhan ng Cafgu sa isang misencounter naganap sa Sitio Matingam-Tingam, Brgy. Casay ng bayang ito, kamakalawa ng madaling araw.

Nagtamo ng bala sa likod mula sa hindi pa mabatid na kalibre ng baril si Pfc. Arvin Penaredonda, 24, may asawa, naka-assigned sa 85th IB, PA sa Sitio Malamig, Brgy. Sto.Nino at residente ng Brgy. Bagupaye, Mulanay, Quezon.

Sa inisyal na ulat, nabatid na dakong alas-4:20 ng madaling araw ay kapwa nagsasagawa ng pagpapatrolya sa nasabing lugar ang isang tropa ng Community Support Program ng mga sundalo na kinabibilangan ng biktima at isang squad ng Cafgu sa ilalim ng 59th IB PA.

Dahil sakmal ng karimlan ang naturang lugar, ay hindi nagkakilala ang magkabilang tropa at human-tong sa misencounter na tumagal ng ilang minuto.

Iniimbestigahan na ng militar at pulisya ang insidente upang malaman kung sino ang may.pananagutan sa pagkasawi ng biktima. (Joy Cantos)

vuukle comment

CAFGU

PHILIPPINE ARMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with