^

Probinsiya

2 studes na-gang rape na, hinoldap pa

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
2 studes na-gang rape na, hinoldap pa

Motor ng 2 kasama, tinangay din

SANTIAGO CITY, Isabela , Philippines  —  Pinaghahanap ngayon ang tatlong lalaki na nang-rape sa dalawang estudyante na kanilang hinoldap at tinangay pa ang motor ng kanilang kasama sa bayan ng Diadi, Nueva Vizcaya, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ang mga suspek na sina Johny Dulnuan, Jake Dulnuan na kapwa residente ng Hingyon, Ifugao at isang alias “Balbas” ng Tabuk, Kalinga.

Sa ulat sa pulisya, binabag­tas umano ng dalawang motorsiklo na minamaneho nila Kim Oliver Flores, 19, at Michael John Magyano, 18, kapwa residente ng Brgy. Arwas at magkahiwalay na angkas ang dalawang estudyante na itinago sa mga pangalang Elsa, 19, at Emma, 17,  nang harangin sila ng tatlong suspek na armado ng mga baril pagsapit sa Brgy. Ampakleng sa nasabing bayan.

Tinutukan umano ang apat na magkakaangkas na biktima at kinuha ang kanilang mga kagamitan at pera. Hinatak umano ng dalawa sa mga suspek sina Elsa at Kim at ginahasa sa maisan sa tabi ng kalsada habang ang isa pang suspek ay tinutukan ang dalawang driver ng motorsiklo.

Matapos makaraos, tina­ngay ng mga suspek ang isang motorsiklo ng mga biktima na ginamit sa kanilang pagtakas.

Ayon kay P/Capt. Odlanyer Endri, hepe ng Diadi Police, ang tatlong mga suspek ay nakilala nang makita umano sila sa isang kasalan na sumasayaw bago maganap ang insidente.

vuukle comment

GANG RAPE

HOLDUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with