^

Probinsiya

Single mom 2 anak minasaker, 2 ‘killer’ tiklo

Joy Cantos, Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
Single mom 2 anak minasaker, 2 �killer� tiklo
Kinakausap ni PNP Chief Police General Oscar ­Albayalde ang dalawang suspek na walang awang pumatay sa mag-iinang Casabuena sa naganap na krimen sa San Jose del Monte City, Bulacan nitong Miyerkules ng gabi.
Kuha ni Boy Santos

MANILA, Philippines — Brutal na minasaker ang isang mag-iina nang walang habas na ataduhin ng saksak ng dalawang kalalakihan na nanloob sa kanilang tahanan habang agad namang naaresto ang dalawang suspek sa Brgy. Kaypian, San Jose del Monte City, Bulacan nitong Miyerkules ng gabi.

Sa ulat ni Bulacan Provincial Police Office(PRO) 3 Director Police Colonel Chito Bersaluna, bandang alas-8:30 ng gabi kamakalawa nang ma­diskubreng naliligo sa sarili nilang dugo ang mag-iinang biktima na sina Jaymee Biding Casabuena, 28-anyos, single mother sa mga anak nitong sina Anton Casabuena, 8, at Joaquin Mateo Casabuena, 4-anyos.

Agad namang naaresto sa pagitan ng alas-4:30 ng mada­ling araw at alas-7:00 ng umaga kahapon sa isinagawang follow-up ­operation ng mga pulis ang dalawang suspek sa krimen na sina Wilson Nosal, 23, taga-Norzagaray, Bulacan, kapitbahay ng mga biktima sa Brgy. Malaria, Caloocan City, at Joselito Cortez, 48, taga-Cavite.

Ayon sa salaysay ng isa sa mga testigo na kapitbahay ng mga biktima, noong Abril 2 dakong alas-9:00 ng gabi ay narinig niyang may mga taong kumakatok sa tahanan ng ginang habang dalawa rin sa mga kalaro ng mga bata ang nakakita sa dalawang lalaki bandang alas-10:00 ng gabi na nasa loob ng tahanan ng mga biktima.

Nabatid naman sa pinsan ng ginang, na asawa umano ni Wilson na ilang oras bago nangyari ang krimen ay nakapag-text pa ito sa kanya at sinabing walang pasintabing pumasok sa kanilang tahanan si Wilson at kasama nito na pareho umanong nakainom ng alak.

Sa inisyal na interogasyon sa mga suspek, sinabi ng mga ito na ang tanging intensiyon nila ay pagnakawan ang mga biktima pero nanlaban ang mga ito kaya nila pinagsasaksak hanggang mapatay.

vuukle comment

BULACAN MASSACRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with