^

Probinsiya

Engkwentro: 2 kriminal todas, 8 parak sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Engkwentro: 2 kriminal todas, 8 parak sugatan
Ang mga napatay na suspek na pawang sangkot sa kasong murder ay nakilalang sina Zanodin Moro at Macalatas Ameril.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Tumimbuwang ang dalawang sinasabing kriminal habang walong alagad ng batas ang nasugatan at isa sa kanilang kabaro ang nawawala nang mauwi sa barilan ang pagsisilbi ng warrant of arrest sa Brgy. Tabaran, Ma­damba, Lanao del Sur, kamakalawa ng gabi.

Ang mga napatay na suspek na pawang sangkot sa kasong murder ay nakilalang sina Zanodin Moro at Macalatas Ameril.

Kinilala naman ang mga nasugatang pulis na sina Police Captain Gevero, Police Captain Boglosa, Police Senior Master Sgt. Panitan, Police Staff Sgt. Olete, Police Staff Sgt. Cadano, Patrolman  Montallana, Police Corporal Rosco at Police Corporal Masakal, habang patuloy na pinaghahanap ang nawawalang si Police Corporal Gilber Males ng Lanao del Sur Provincial Police Office.

Ayon kay PNP Spokesman Col. Bernard Banac, bandang alas-11:30 ng gabi nang makasagupa ng mga otoridad ang mga target na kriminal sa law enforcement operation sa lugar habang isinisilbi ang warrant of arrest na inisyu ni Judge Papandayan ng Marawi City laban sa mga suspek.

Narekober naman sa pinangyarihan ng bakbakan ang dalawang M-16 rifles, isang M-16 rifle na may M203 grenade launcher at ang Toyota police patrol car na sinunog ng mga suspek sa kasagsagan ng engkuwentro.

vuukle comment

BERNARD BANAC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with