^

Probinsiya

19-anyos pinasok, niratrat

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

ATIMONAN, Quezon, Philippines — Hindi na nagising mula sa kanyang mahimbing na pagkakatulog ang isang 19-anyos na lalaki makaraang pasukin sa loob ng kanyang bahay at pagbabarilin ng hindi pa nakikila­lang salarin, kamakalawa sa Purok Bitin, Brgy. Malinao Ilaya ng bayang ito.

Apat na bala ng kalibre 45 sa ibat ibang parte ng katawan ang tumapos sa buhay ng biktimang si Jerome Escosia, may live in partner at residente ng nasabing barangay.

Bandang alas-7:00 ng umaga ay nakarinig ng apat na sunud-sunod na putok ng baril mula sa kalapit na bahay ng biktima ang ina nito na si Cristina subalit ipinagkibit balikat lamang ito

Nang pumasok si Cristina sa loob ng kuwarto ng anak makalipas ang 10 minuto ay natuklasang nakabulagta na at naliligo sa sariling dugo ang huli.

vuukle comment

SHOT DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with