^

Probinsiya

2 tumungga ng ‘battery solution’ tigok

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
2 tumungga ng �battery solution� tigok
Kinilala ang dalawang biktima na sina Arsenio Hermosura, 44, at Eduardo Marzan, 26, kapwa residente ng Brgy. Lantap sa nasabing bayan.

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Dalawa katao ang nasawi matapos na aksidenteng uminom ng hinihinalang battery solution na inakalang alak sa Bayan ng Bagabag, Nueva Vizcaya, ayon sa ulat kamakalawa. 

Kinilala ang dalawang biktima na sina Arsenio Hermosura, 44, at Eduardo Marzan, 26, kapwa residente ng Brgy. Lantap sa nasabing bayan.

Ayon sa ulat, nagkasundo umanong uminom ang dalawang biktima para ubusin ang natirang alak sa nakaraan nilang inuman. Subalit, habang tumutungga ang dalawa, napansin ni Marzan na mapait ang “alak” na iniinom subalit hindi umano ito pinansin sa pag-aakala na dahil lamang sa kanilang pulutan na ampalaya.

Agad na bumula ang bibig ni Marzan at nasawi habang si Hermosura ay naisugod pa sa pagamutan subalit binawian din ito ng buhay.

Dahil dito, inirokemenda ng Barangay Council ng Barangay Lantap sa pangunguna ni Chairman Orlando Naval na ipasuri ang natirang liquid sa loob ng bote para matukoy kung ito ay battery solution o kung anong lason ang kumitil sa buhay ng dalawang suspek.

vuukle comment

CRIME SCENE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with