^

Probinsiya

Bgy. police niratrat sa court

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

SARIAYA,QUEZON  , Philippines  —  Hindi na nagawang itira sa ring ng isang barangay police ang kanyang hawak na bola matapos na pagbabarilin hanggang sa mapatay ng isang hindi kilalang salarin habang naglalaro ng basketball ang una sa Sitio Ulbok, Brgy. Castanas ng bayang ito kamakalawa ng gabi. Nagtamo ng mga tama ng bala ng kalibre 45 sa ulo at ibat ibang parte ng katawan ang biktimang si Jaison Buan, 38, may live in partner at residente ng nabanggit na barangay.

 Ayon sa pulisya, bandang alas-6:00 ng gabi ay naglalaro ang biktima ng basketball sa harapan ng kanilang bahay nang dumating ang suspek at bigla na lamang itong pinaulanan ng punglo. Nang matiyak na patay na ang biktima ay mabilis na tumakas ang salarin at ngayon ay tugis ng pulisya kasabay ng imbestigasyon kung ano ang motibo sa krimen.

vuukle comment

CRIME

SHOOTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with