^

Probinsiya

HS student nilamon ng ilog

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines – Isang high school student ang nila­mon ng ilog matapos umanong malunod habang naliligo kasama ng anim na kaklase sa Cagayan River sa Amulung, Cagayan, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang pinaniniwalaang nasawi na biktima na si Lander Lucero, 14, Grade 8 student ng Olova High School at residente ng Brgy. Calamagui sa nabanggit na bayan.

Sa ulat ni SPO1 Ro­mel Damagan, ng Calamagui Police, dakong alas-4:45 ng hapon nang pauwi na sana ang mga mag-aaral matapos ang kanilang klase nang magtungo sila sa ilog kasama ng biktima na nasa likod lamang ng kanilang paaralan. Nagkaroon umano ng inuman ang magkaka-klase bago magpasyang maligo sa nasabing ilog.

Kasalukuyan uma­nong naliligo ang magkakaklase nang mapansin nilang nalulunod ang biktima na sinubukan pang iligtas subalit agad na tinangay ng agos sa malalim na bahagi ng ilog. 

Ayon kay lola Lorna Lucero, hindi marunong lumangoy ang kanyang apo.

Pinaghahanap ng Amulung Police, Rescue 47, Bureau of Fire Protection at mga volunteers ang nawawalang biktima.

vuukle comment

STUDENT DROWNED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with