^

Probinsiya

Mas mababang flat rate sa NLEX ipinatupad

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

LUNGSOD NG MALOLOS, Philippines — Mas mababang dagdag singil sa flat rate open system ang ipinatupad sa North Luzon Expressway o NLEX kamakalawa.

Ayon kay NLEX Corporation Assistant Vice President for Corporate Communication Kit Ventura, 9 na pisong flat rate na lamang sa halip na 10 piso ang madaragdag sa toll fee sa open system para sa mga Class 1 vehicle o ordinaryong sasakyan na nagbibiyahe sa Balintawak, Karuhatan, Paso de Blas, Mindanao Avenue, lungsod ng Meycauayan at bayan ng Marilao.

Karagdagang 22 piso sa halip na 23 piso naman sa mga Class 2 tulad ng mga bus at maliliit na trak at 28 piso imbes na 29 piso sa Class 3 o yung malalaking trak.

Ang pagtaas ng singil ng NLEX, naaprubahan matapos ang pagbubukas ng elevated na 5.65 kilometro Harbor Link Segment 10 na bumabagtas sa mga lungsod ng Valenzuela, Malabon at Caloocan.

vuukle comment

FLAT RATE OPEN SYSTEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with