^

Probinsiya

Magkaibigan durog sa dump truck

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Magkaibigan durog sa dump truck

LOPEZ, Quezon  , Philippines  —  Patay ang magkaibigang magkaangkas sa motorsiklo makaraang banggain ng kasalubong na dump truck sa Lopez-Hondagua Rd. na sakop ng Barangay Concepcion, kamakalawa ng hapon.

Kapwa nabasag ang mga bungo at nagtamo ng grabeng kapinsalaan sa katawan ang mga biktimang sina Melranie Capistrano, 32, may live-in partner at Jerom Pica, 29, binata, kapwa mga residente ng Barangay Talolong ng nasabing bayan.

Sa ulat, dakong alas-3:00 ng hapon habang sakay ang mga biktima ng isang motorsiklo patungo sa kabayanan nang tumbukin sila ng Isuzu dump truck na minamaneho ni Ruel Alcantara, 49, ng Barangay Danlagan.

Kapwa tumilapon ang mga biktima na una ang mga ulong bumagsak sa sementadong kalye.     

vuukle comment

CRIME

DUMP TRUCK ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with