^

Probinsiya

P7.1 M shabu samsam, bigtime ‘tulak’ tiklo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umaabot sa P7.1-milyong halaga ng shabu ang nakum­piska ng anti-drug operatives kasunod ng pagkakaaresto sa isang pinaghihinalaang bigtime na “tulak” sa isinagawang  operasyon sa Brgy. San Roque, Zamboanga City nitong Huwebes ng hapon.

Ang nasakoteng suspek ay kinilalang si Ricky Hassan, 35-anyos, nasa drug watchlist ng pulisya.

Bandang alas-3:00 ng hapon nang mabitag ng mga tauhan ng Drug Enforcement Unit ng Zamboanga City Police ang suspek sa buy-bust operation sa kahabaan ng Wingo Drive, Brgy. San Roque ng lungsod.

Hindi na nakapalag ang target matapos siyang posasan ng mga operatiba sa aktong iniaabot ang dalawang malaking sachet ng shabu na nshabuagkakahalaga ng P7.1-milyon.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek habang itinurnover na sa PNP Crime Laboratory ang nakumpiskang droga siyang.

vuukle comment

ILLEGAL DRUGS

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with