^

Probinsiya

SUV salpok sa mall: 1 patay, 12 sugatan

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon
SUV salpok sa mall: 1 patay, 12 sugatan
Sinuyod ng SUV ang Waltermart Mall at inararo nito ang loob ng fun house na ikinasawi ng isa at ikinasugat ng 12 katao sa Carmona, Cavite kamakalawa.
Cristina Go-Timbang

CAVITE, Philippines — Isa ang kumpirmadong patay habang 12 pa ang sugatan at kasalukuyang mga inoobserbahan sa pagamutan kabilang ang ilang mga bata at ang suspek matapos na araruhin ng isang Montero ang Walter Mart at natumbok nito ang mismong fun games ng Mall kung saan maraming bata ang naglalaro, kamakalawa ng hapon sa Waltermart, Carmona, Cavite. 

Nakilala ng pulisya ang nasawing biktima na si Rollen Sartiel, 22-anyos, may asawa, ama ng 3-anyos na binabantayan nito habang naglalaro sa fun games na kabilang sa nasugatan sa aksidente, kapwa residente ng Brgy. 3, Carmona, Cavite. 

Inoobserbahan naman sa pagamutan ang 12 na nasugatan na sina Myrna Doctor; Nina Marie Morello, Glennis Gianan, Jinky Oborza, Rhalf Oborza, 4-anyos; Florabel Medina; Mark Anthony Gonzales, Mark Leo Ace Gonzales, 4-anyos; Jazz Lano, 6-anyos; Cian Laurora Sartiel, 3- anyos, anak ng namatay; Emma Hunsay, 74 anyos, at ang driver ng Montero na si Rosendo Mamucod, 66, ng B6L 32 Villa Sorteo, Brgy. Milagrosa, Carmona, Cavite. 

Sa ulat ni PO3 Marlon Ramirez, ala-1:25 ng hapon habang naka-park sa PWD parking area ng Waltermart ang Mitsubishi Montero (UHO229) at nasa driver seat ang driver nito nang bigla na lamang umusad ang sasakyan na hindi nito naagapan  kung kaya dire-diretso ito sa loob ng mall hanggang sa matumbok nito ang Fun House kung nasaan abala ang mga biktima. 

Naipit sa ilalim ng sasak­yan ang ibang biktima kasama ang namatay habang ang iba ay tumilapon pagkasalpok ng sasakyan.

vuukle comment

CAVITE ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with