^

Probinsiya

Hitman sa Subic trader slay arestado!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Hitman sa Subic trader slay arestado!
Sa press briefing kahapon sa Camp Crame, tinukoy ni PNP Chief P/Director General Oscar Albayalde ang mastermind sa pagpatay na si Dennis Sytin, nakababatang kapatid ng biktimang si Dominic.

Utol itinurong mastermind

MANILA, Philippines — Nalutas na ng mga awtoridad ang ambush-slay sa negosyanteng si Dominic Sytin sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) sa Zambales noong nakalipas na taon matapos na matukoy na mismong kapatid nito ang mastermind sa krimen nang “ikanta” ng nasakoteng hitman sa follow-up operation sa Batangas.

Sa press briefing kahapon sa Camp Crame, tinukoy ni PNP Chief P/Director General Oscar Albayalde ang mastermind sa pagpatay na si Dennis Sytin, nakababatang kapatid ng biktimang si Dominic.

“From all indications, this high-profile murder of Dominic Lim Sytin was apparently motivated by rivalry among corporate siblings and carried out through a gun-for-hire contract with a hitman,” pahayag ni Albayalde.

Si Dennis ay itinuro ng gunman na si Egardo Luib alyas Injeck, tubong Imus, Cavite na nasakote sa raid sa bahay ng live-in partner nito sa Sto. Tomas, Batangas noong Marso 5. Nakumpiska mula kay Luib ang isang carbine, isang cal. 40 pistol, isang 45 pistol na nag-match sa dalawang slugs ng 9 na cartridge ng armas na nakuha sa crime scene.

Nabatid na si Luib, isang notoryus na gun-for-hire ay kinontrata ni Dennis ng P1 milyon upang paslangin ang sari­ling kapatid na si Dominic, pero ayon sa suspek ay P50,000 lamang ang naibayad sa kanya.

Sinabi naman ni Police Regional Office (PRO) 3 Director P/Chief Supt. Napoleon Coronel na lumalabas sa ulat ng Special Investigation Task Group na nag-aaway umano ang magkapatid sa shares o control ng shares ng operasyon ng United Auctioneers International (UAI). Samantalang tumindi pa ang away ng magkapatid matapos pagbawalan na si Dennis na pumasok sa bakuran ng UAI hanggang sa patalsikin ito sa puwesto noong Nob. 15, 2018.

Kasabwat umano ng suspek si Ryan Rementilla na siyang kumontrata sa kanya upang isagawa ang krimen. 

Natuklasan din na ang nasabing gunman umano ang kinontrata ni Rementilla para patayin ang reporter ng Inquirer na si Mae Magsino sa Brgy. Balagtas, Batangas City noong Abril 13, 2015.

Si Dominic ay pinas­lang ng riding-in-tandem sa labas ng Lighthouse Resort and Hotel sa SBMA noong Nob. 28, 2018 na ikinasugat ng kanyang security escort na si Efren Espertero.

vuukle comment

SUBIC BAY METROPOLITAN AUTHORITY

TRADER SLAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with