^

Probinsiya

Tulak bulagta sa shootout

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Tulak bulagta sa shootout
Kinilala ng pulisya ang napatay na suspek na si Gilbert Mawanay, 40-anyos, residente ng Sitio Cyber, Bacoor City, lalawigang ito.
File Photo

CAVITE, Philippines — Isa na namang hinihinalang tulak ng droga ang napatay matapos umanong pumalag sa mga pulis na nagsagawa ng buy-bust operation kamakalawa ng gabi sa Brgy. San Nicolas, Bacoor City.

Kinilala ng pulisya ang napatay na suspek na si Gilbert Mawanay, 40-anyos, residente ng Sitio Cyber, Bacoor City, lalawigang ito. 

Sa ulat ng pulisya, alas- 8:40 ng gabi nang ikasa ng mga Intel operatives kasama ang ilang miyembro ng PDEA-Cavite ang buy-bust laban sa suspek. Habang nasa kalagitnaan ng transaksyon, nakatunog ang suspek na pulis ang kanyang kausap kung kaya agad niyang itinulak at bumunot ng baril saka pinaputukan pero masuwerteng hindi tamaan ang huli. Napilitang gumanti ng putok ang mga pulis hanggang sa bumulagta ang suspek.

Nakuha sa lugar ang 50 plastic sachet ng shabu, isang cal .38 revolver na may mga bala, mga drug paraphernalia, fired cartridges, 5 empty shells at 2 deformed fired bullet.

 

vuukle comment

DRUG WAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with