^

Probinsiya

P200-milyon pang cocaine narekober

Joy Cantos, Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon
P200-milyon pang cocaine narekober

MANILA, Philippines — Bloke-blokeng cocaine na humigit kumulang na P200 milyon ang halaga na nakabalot sa package ang natagpuan muli ng mga concerned citizen habang palutang-lutang sa magkahiwalay na baybaying sakop ng Davao Oriental at Nueva Ecija kamakalawa ng hapon.

Sa ulat sa Camp Crame, sinabi ni PNP Spokesman P/Sr. Supt. Bernard Banac, dakong ala-1:30 ng hapon nang madiskubre ng isang concerned citizen ang 36 bloke ng cocaine sa dalampasigan ng Brgy. Santiago, Caraga, Davao Oriental.

Agad na ipinarating ang pagkakatagpo ng cocaine kay Brgy. Councilor Emelio Bantayan na siyang nag-report sa mga awtoridad.

Ayon kay Banac, nasa 36 bloke ng hinihinalang cocaine na nagkakahalaga ng mahigit P190 milyon ang narekober sa nasabing lugar.

Sa isa pang insidente kamakalawa, dakong ala-1 ng hapon nang matagpuan ng isang mangingisda habang namamalakaya ang isang bloke ng cocaine sa Gabaldon, Nueva Ecija. Ang cocaine na tumitimbang ng 1.1 kilo at nagkakahalaga ng P6.3 milyon ay naka­rolyo sa isang plastic at nababalutan ng rubber tape na dinala nito sa North Poblacion, Gabaldon ng lalawigan.  

vuukle comment

COCAINE

ILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with