^

Probinsiya

Shabu isiniksik sa regalo sa V-Day, nasamsam

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Shabu isiniksik sa regalo sa V-Day, nasamsam

CAVITE  , Philippines  —  Tinatayang nasa P.5-milyong halaga ng shabu kabilang ang  isiniksik sa bouquet ng bulaklak na regalo sa Valentine’s Day ang nakumpiska ng Bacoor City Police sa tatlong oras na magkakasunod na operasyon sa apat na barangay sa lungsod kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng pulisya,  alas-5:00 ng hapon nang simulan ng pulisya ang drug-bust operation sa Brgy Molino 3, Green Valley Subd. kung saan nadakma ang mag-dyo­wang suspek na sina Jay­son Jordan Dela Cruz,  27, at Mary Isabelle Gahisan, 22, ng San Fernando St., Delpan Tondo, Manila.  

Nakumpiska sa babaeng suspek ang 0.82 gramo na shabu na isi­niksik pa sa isang flo­wer bouquet galing kay  Dela Cruz. Habang nakuhanan din sila ng may 2.18 gramong shabu na P82,824 ang halaga. 

Alas-5:40 ng hapon nang ilatag din ang drug ops sa Brgy. Niog 1 at nadakip dito si Silongan Kumpenag alyas Elong, 36. Halagang P54,000 na shabu ang binili ng tuma­yong buyer. Nasamsam dito ang 50 gramong shabu na nasa ?340,000. 

Naaresto rin alas-6:30 ng gabi sa Brgy. San Nicolas 3 si Mark Angelo Villamor alias Macky, nasa drug watchlist, 32. Nakumpiska rito ang may 2.57 gramo ng shabu na ?17,476 ang halaga.

Sa Brgy. Habay 1,  nadakma pa ang mga suspek na sina Michael Espiritu alias Mike, 31, at Achie Resurecion, 38, dakong alas-8:30 ng gabi matapos makumpiskahan ng 6 gramong shabu na nasa ?40K ang ha­laga.    

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with