^

Probinsiya

Doktor todas sa ambush

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinagbabaril nang malapitan at napaslang ang isang doktor na tumatayong vice president ng Global Care Medical Center ng isang ‘di kilalang gunman sa mismong harapan ng nasabing ospital sa Bgy. Maitim, Bay, Laguna kamakalawa ng hapon. 

Kinilala ang biktima na si Dr. Roderick Mujer, general surgeon ng nasabing medical center na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Mabilis namang tumakas ang salarin  na nakasuot  ng helmet, kulay puting t-shirt at khaki shorts patungo sa direksyon ng bayan ng Sta Cruz matapos mapuruhan ang target.

Sa report ni Laguna Provincial Police Office Director P/ Sr. Supt Eleazar Matta, bandang alas-5 ng hapon, kasasakay lamang ng biktima sa kanyang kulay puting SUV mula sa kanyang tanggapan sa ospital nang tambangan at pagbabarilin nang malapitan sa labas ng salarin. Nagawa pang makababa sa behikulo ang sugatang biktima bago isinugod sa emergency room ng pagamutan pero nabigo nang maisalba ang buhay nito.

vuukle comment

AMBUSH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with