^

Probinsiya

Kelot natagpuang patay sa irigasyon

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

SCIENCE CITY OF MUÑOZ, Nueva Ecija  , Philippines  —  Isang lalaki na biktima umano ng pagkalunod ang aksidenteng nadiskubre ng kanyang bayaw sa may gilid ng irrigation canal sa Brgy. Bantug sa lungsod na ito noong Linggo ng mada­ling araw.

Kinilala ng pulisya ang biktima ng umano’y pagkalunod na si Danilo Pakaigue alyas Bubong, 56, walang trabaho, ng Villa Isidra, Barangay Bantug ng nasabing lungsod.  

Sa ulat, bandang alas-5 ng madaling araw noong Linggo, nadiskubre ang katawan ng biktima ng kanyang bayaw na si Alejandro De Guzman, 43-anyos, may-asawa, na nagtungo sa may patubig upang doon umano humigop ng mainit na kape.

Pero laking gulat umano nito nang maaninag sa madilim-dilim pang paligid ang tila katawan ng isang tao na nakahiga sa gilid ng irigasyon.

Agad siyang humingi ng tulong at sa pagda­ting ng taga-barangay ay dito nakilala ang bangkay na bayaw pa pala ng mismong nakadiskubre nito.  

Sa pagsisiyasat ng pulisya, noong Sabado ng gabi ay huling nakitang buhay ang biktima na lasing.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with