^

Probinsiya

6 ‘Scorpion’ tiklo sa drug ops

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE  , Philippines  —  Anim na umano’y miyembro ng “Scorpion Group” na nasa drug watchlist ang nadak­ma ng Imus Police sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya kahapon ng madaling araw sa loob ng isang subdivision sa Brgy. Malagasang 1-A, Imus City.

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Tezzy Laforteza alias Paula, residente ng Cuenca Subdivision, Brgy. Malagasang 1-A, Imus City; Christaline Delos Santos, 20, ng 275 Calumpang Bagong Pook, Cavite City; Marlou Quijano, 18, ng 36M Mother Honra, Cavite City, Cavite; Alli Arguna, 29, ng Brgy. Buhay na tubig, Imus City; Mariel Hannah Rodelas, 29, ng 932 Diegong Bayong St., Brgy. E. Aldana, Las Piñas  City, at Mizzi Deminy Abueg, 24, ng 19 Brgy. Toclong 1-C, Imus  City.

Sa ulat, ikinasa ang buy-bust matapos makatanggap ng sunud-sunod na sumbong ang pulisya mula sa ilang residente ng Cuenca Subdivision hinggil sa diumano’y mga kakaibang kilos ng grupo sa bahay ng target suspect na si alias Paula sa lugar. 

Kasama ang PDEA at elemento ng DEU ng Imus Police, alas-2:30 ng madaling araw nang maki­pagkita ang isang poseur buyer na pulis kay alias Paula. Habang isinasagawa ang transaksyon,  dito na dinakma ng mga pulis si Paula at pinosasan. Naaktuhan din sa loob ng bahay nito ang lima pang nabanggit na suspek. 

Ang mga suspek ay pawang mga miyembro umano ng Scorpion Group na sangkot sa pagbebenta ng droga. Narekober sa grupo ang 9 plastic sachet ng shabu na nasa 1.20 gramo, mga drug paraphernalia at drug mo­ney. 

vuukle comment

BUY-BUST OPERATION

SCORPION GROUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with