^

Probinsiya

Pulis-Angono utas sa ambush!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Pulis-Angono utas sa ambush!

RIZAL  , Philippines  —   Bulagta ang isang pulis matapos siyang tambangan at pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek habang papasok sa kanyang trabaho sa Antipolo City kahapon.

Kinilala ni Rizal Police Provincial Office P/Senior Supt. Lou Frias Evangelista ang biktima na si PO2 Jose Jello Changcoco, 48, nakatalaga sa Angono Police Station, at residente ng 802 Pearlane Street, Cristimar Village, Barangay San Roque, Antipolo City.

Sa imbestigasyon, dakong alas-6:20 ng umaga, papasok na sana sa trabaho ang biktima sakay ng kanyang service vehicle, nang pagsapit sa Gate 2 ng Cristamar Village, Circumferential Road sa Brgy. San Roque, ay bigla na lang siyang salubungin at pagbabarilin ng dalawang ‘di kilalang suspek. Nagawa pa ng biktima na imaneho pabalik ang kanyang sasakyan, ngunit bago tuluyang nakalayo ay nawalan na siya ng ulirat dahil sa rami ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Mabilis na tumakas ang mga suspek sakay ng isang tricycle patungong Sitio Ligtasan Road.

vuukle comment

AMBUSH

CRIME

SHOOTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with