^

Probinsiya

‘Gwapulis’ bulagta sa amok!

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon
�Gwapulis� bulagta sa amok!
PO1 Joseph Tan

Suspek napatay din

CAVITE - Nasawi ang isang kagawad ng pulis­ya na binansagang “Guwapulis” matapos barilin ng isang nag-amok na suspek habang naglalaro ng basketball kamakalawa ng gabi sa Cavite City.

Kinilala ang nasawing pulis na si PO1 Joseph Tan, Intel operative ng Cavite City Police Station at minsan na ring nakilala matapos manalo sa contest na “Gwapulis” sa programang Umagang Kay Ganda ng ABS-CBN noong taong 2016.

Sa inisyal na report, dakong alas-7:40 ng gabi nang maganap ang pamamaril sa Montano Hall, Brgy. 41 Caridad kung saan naglalaro umano si Tan ng basketball nang biglang may manggulo kaya agad siyang rumesponde.

Gayunman, tumakas at tumakbo ang suspek sa labas at hinabol ng biktima hanggang sa magkapalitan na ng putok at napatay ang suspek na nakilalang si Musanip Palao, 49, nakatira sa F. Dela Cruz, Brgy. 37A, Caridad, Cavite City.

Sa kasamaang palad, tinamaan din ng bala si Tan na kanya ring ikinamatay.

Nagsasagawa na ng malalimang imbestigasyon ang pulisya upang mabatid kung nanggulo lang ba ang suspek o talagang ang pulis ang talagang target sa pamamaslang.

vuukle comment

JOSEPH TAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with