PANOORIN: Yaman ni VP Sara lumobo sa P98.66M mula 2007
MANILA, Philippines — Mula P7.25 milyon noong 2007, umakyat sa P98.65 milyon ang declared net worth ni Vice President Sara Duterte, batay sa kanyang SALN records na iniharap sa impeachment court nitong Martes, September 15.
Mahigit doble ito sa loob ng isang taon.
Sa pagdinig kaugnay ng Article II, kinumpirma ni Ombudsman records officer Karen Batu ang mga halagang nakasaad sa SALN ni Duterte.
Mula P7.25 milyon noong 2007, naging P18.49 milyon ang kanyang declared net worth noong 2008.
Patuloy itong tumaas sa mga sumunod na taon hanggang umabot sa P98.65 milyon noong 2025.
Bahagi ang mga SALN records ng ebidensiyang sinusuri ng impeachment court kaugnay ng alegasyon ng unexplained wealth.
- Latest



















