^

Probinsiya

NDF peace consultant itinumba!

Joy Cantos, Raymund Catindig, Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
NDF peace consultant itinumba!
Itinuturo ng imbestigador ng Aritao Police ang lugar kung saan nakaupo si NDF peace consultant Randy Felix Malayao bago siya barilin sa ulo ng hindi pa nakikilalang suspek sa loob ng Victory Liner sa bus-stop terminal ng Barangay Darapidap, Aritao, Nueva Vizcaya kahapon ng madaling araw. 
(Kuha ni Victor Martin)

BAYOMBONG, Nue­va Vizcaya  , Philippines  —   Isang high profile na consultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) ang nasawi ma­tapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa loob ng terminal ng bus na may biyaheng Cagayan sa Barangay Darapidap, Aritao, ng lalawigang ito kahapon ng madaling araw.

Ayon kay P/Chief Ins­pector Geovanni Cejes, hepe ng Aritao Police, kinilala ang napaslang na biktima na si NDFP peace consultant Randy Felix Malayao, 49, residente ng Brgy. Minanga Norte, San Pablo, Isabela. 

Sa ulat, dakong alas-2:30 ng madaling araw nang pasukin ng suspek si Malayao sa loob ng nakahintong Victory Liner bus (ATA 9361), may body number 7102,  sa CCQ bus stop terminal matapos itong pumarada.

Ayon sa ilang saksi, gising umano ang biktima at itinaas pa ang kanyang kamay at nakikiusap na hindi sasaktan subalit agad siyang pinaputukan ng suspek ng dalawang beses sa ulo na agad nitong ikinamatay.

 “Halos lahat ng mga pasahero ay bumaba na sa bus maliban lamang sa ilan, kaya nagulat na lamang kami nang marinig ang putok mula sa loob ng bus habang kami ay kumakain,’’ pahayag ng isang nasa lugar.

Agad namang bumaba ang suspek na nakasuot ng ski mask at hooddie na jacket at mabilis na sumakay sa isang itim na Yamaha Mio na minamanaho ng nag-aabang na kasamahan.

Napag-alaman na pauwi sana si Malayao sa lalawigan ng Isabela sakay ng First Class Victory Liner bus na umalis mula Quezon City dakong alas-9:30 ng gabi ng Miyerkules patungo naman sa Tuguegarao City sa lalawigan ng Cagayan nang mangyari ang pagpatay.

Napag-alaman na isang lalaki mula sa seat No. 21 ang hindi na mahagilap matapos ang pamamaril.

 “Dahil sa First Class po ang bus ay 17 lang po lahat ang aming pasahero, subalit nang bilangin namin ang mga pasahero na lulan ng bus matapos ang pamamaril ay nadiskubre namin na nawawala ang lalake na nakaupo sa number 21 patungo sana ng Ilagan City, Isabela,” pahayag ng isang source.

Si Malayao ay naka­upo umano sa seat number 23 na nasa likurang bahagi ng bus kung saan nasa harapan niya ang seat no. 21 na lumipat naman ng upuan sa bakanteng upuan na mismong tapat ng biktima.

Bilang consultant, si Malayao ay laging dumadalo bilang kinatawan ng NDFP sa iba’t ibang peace forums sa Pilipinas maging sa ibang bansa kasama ang ilang negotiators ng pamahalaan.

Nagsilbi rin si  Malayao bilang spokesperson ng NDFP Negotiating Panel sa Europe.

Sinabi naman ni Chief Supt. Jose Mario Espino, director ng Police Regional Office (PRO) 2 na base sa intelligence report, si Malayao ay nakatala bilang consultant ng NDFP’s peace panel na rati ring spokesman ng CPP-NPA sa Northern Luzon.

Si Malayao ay tinukoy ng militar na gumamit ng alyas na “Salvador del Pueblo” na nasakote ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) operatives at Army Intelligence agents noong Mayo 15, 2008. Siya ay kabilang sa mga nakasuhan sa pagpatay sa nasawing si dating Caga­yan Rep. Rodolfo Aguinaldo noong 2001 pero pinawalang sala ni Judge Jezarene Aquino ng Regional Trial Court, Branch 5 sa Tuguegarao City dahil sa kakulangan ng ebidensya. Itinanggi rin nito na siya si Salvador del Pueblo.

vuukle comment

NATIONAL DEMOCRATIC FRONT OF THE PHILIPPINES

SHOOTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with