^

Probinsiya

7 estudyante nalason sa cookies: 1 patay

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon
7 estudyante nalason sa cookies: 1 patay
Sa ulat ng pulisya, dakong alas-5:30 ng hapon nang magluto umano si Daniela Grace Bolo, 18, ng chocolate cookies sa kanilang bahay sa Brgy. Palico 4 kung saan kinain din niya ito kasama ng mga kaklase.
File

CAVITE , Philippines  —   Isang estudyante ang nasawi habang anim na iba pa ang isinugod sa ospital matapos na kumain ng chocolate cookies na niluto rin ng kanilang kaklase sa Imus City kamakalawa.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-5:30 ng hapon nang magluto umano si Daniela Grace Bolo, 18, ng chocolate cookies sa kanilang bahay sa Brgy. Palico 4 kung saan kinain din niya ito kasama ng mga kaklase. Pero ilang sag­lit lang, sabay-sabay nang nangati at hindi makahinga ang mga magkakaklase kaya mabilis silang isinugod sa Medical Center sa Imus pero namatay habang ginagamot si Mark Joseph Tan, 18 habang stable na ang kalagayan ng kambal nitong si Mher John Tan, 18 at mga kaklase na sina Justin James Canete,18; Mercy Grace Benialon, 18; Eden Joyce Beckham, 19 at Rovic Elli, 17.

Isasailalim sa awtopsiya ang bangkay ng biktima upang matiyak kung ang kinain na coo­kies ang sanhi ng ikinamatay at nakalason dito.

vuukle comment

CRIME

POISONED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with