15-anyos BIFF warrior sumuko
MANILA, Philippines — Sumuko sa militar ang isang 15-anyos na binatilyong mandirigma ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF, ayon sa militar kahapon.
Ang BIFF child warrior na kinilala lamang sa alyas na “Tiger” ay dati umanong tauhan ni Kumander Mayo Gantong Bansil.
Sumuko ang binatilyo sa 33rd Infantry Battalion ng Phl Army na pinamumunuan ni Lt. Col. Harold Cabunoc.
Ayon kay Tiger, napapagod na siya sa umano’y walang kabuluhang pakikipaglaban at pagtatago.
Aniya, nais niyang magbagong buhay, makapag-aral at makasama ang pamilya sa tulong ng pamahalaan.
Kasabay ng kanyang pagsuko, isinuko rin ni Tiger ang dalang rocket-propelled grenade (RPG).
Umaasa naman si 6th ID commanding general, Major General Cirilito Sobejana na marami pang mga batang mandirigma ng BIFF na mamumulat ang isipan at magbabalik-loob sa pamahalaan upang magkaroon ng direksyon ang kanilang buhay.
- Latest