‘No.8 most wanted’, tiklo sa Angeles
MANILA, Philippines — Bumagsak sa kamay ng batas ang sinasabing no.8 most wanted sa bayan ng San Marcelino, Zambales, matapos na matunton ng mga otoridad ang pinaglulunggaan nito sa Brgy. Pandan, Angeles City, kamakalawa ng gabi.
Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni P/Supt. Narvin N. Mangune, bagong talagang director ng Angeles City Police, kinilala ang nasabing suspek na si Rey Vencalayo, nasa hustong gulang at residente sa nasabing barangay.
Dakong alas-10:15 ng gabi nang arestuhin ng mga pulis ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Ma. Cristina Mendoza ng Regional Trial Court (RTC) Branch 73 sa Olongapo City sa kasong Frustrated Homecide.
- Latest