^

Probinsiya

4 BIFF utas sa encounter

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

KIDAPAWAN CITY  , Philippines  —  Apat na mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF ang napaslang matapos na makaengkuwentro ang tropa ng militar sa Barangay Inaladan, Saidona Mustapha, Maguindanao, Martes ng madaling-araw. 

Batay sa ulat, nagsimula ang engkuwentro matapos na magpaputok ng armas ang BIFF sa mga tropa ng 40th Infantry Battalion ng Philippine Army na nagpapatrolya sa lugar. Bagama’t kaunti lamang ang bilang ng mga sundalo, walang nalagas sa kanilang hanay habang napatay nila ang apat na rebelde na kinilalang sina Akmad Sindi, Raguiab Bansao, Ameruddin Bunao at Gamino Orai.

Dalawa pa sa mga BIFF ang nasugatan na kinilala lang sa pangalang Gadoh at Tasil. 

Nakuha sa pinangyarihan ng engkuwentro ang tatlong 7.62 caliber M14 rifles at 5.56 caliber AR18 rifle na ginamit ng mga rebelde.

vuukle comment

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS

PHILIPPINE ARMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with