^

Probinsiya

Trike salpok sa van: Buntis, 3 pa patay

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Trike salpok sa van: Buntis, 3 pa patay
Kinilala ng pulisya ang mga nasawi na sina Jocelyn Cabang na isang buntis at sakay ng motorsiklo; John Roi Sunio Perez, driver ng L-300 van; Carlo Papalid na driver ng nasabing tricycle at Rommel Salawa, 2-anyos.
File Photo

NORTH COTABATO, Philippines — Patay ang apat katao kabilang ang isang buntis at paslit matapos na magsalpukan ang isang tricycle at L300 van sa Brgy. Apopong, General Santos City, Biyernes ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang mga nasawi na sina Jocelyn Cabang na isang buntis at sakay ng motorsiklo; John Roi Sunio Perez, driver ng L-300 van; Carlo Papalid na driver ng nasabing tricycle at Rommel Salawa, 2-anyos.

Nabatid na si Perez ang tanging sakay ng L300 van habang tatlo na magkakaanak ang lulan ng tricycle.

Sa ulat ng Traffic Ma­nagement Unit ng GenSan, nasa inner lane ang tricycle papunta sanang Polomolok, South Cotabato nang makabanggaan nito ang kasalubong na van na papuntang Brgy. Makar, pasado alas-5:00 ng hapon. Nag-overtake umano ang van sa isang motorsiklo at hindi napansin ang papara­ting na tricycle.

Sa lakas ng salpukan, tumilapon ang mga sakay ng tricycle na ikinamatay ng mga biktima.

 

vuukle comment

GENERAL SANTOS CITY ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with