^

Probinsiya

Bahay ng mayor, bise alkalde ni-raid: 2 bodyguard utas

Joy Cantos, Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Bahay ng mayor, bise alkalde ni-raid: 2 bodyguard utas
Sinabi ni Sr. Inspector Jemar delos Santos, tagapagsalita ng Autonomous Region Police Office (ARMM) Police, dakong alas-3:00 ng madaling araw nang magsagawa ng raid ang mga operatiba sa bahay nina Montawal Mayor Vickman Montawal, kapatid nitong si Vice Mayor Ottoh Montawal at isa pa na kaanak ng mga ito na si Andy Montawal sa Brgy. Talapas, Datu Montawal ng lalawigan.
Facebook Photo

MANILA, Philippines — Tumimbuwang ang da­lawang bodyguard ng magkapatid na mayor at vice mayor ng Maguindanao na nasa narcolist ni Pangulong Rodrigo Duterte nang makipagpalitan ng putok ang mga ito sa isi­nagawang raid ng mga otoridad sa Brgy. Talapas sa bayan ng Datu Montawal, nitong Huwebes ng madaling araw.

Sinabi ni Sr. Inspector Jemar delos Santos, tagapagsalita ng Autonomous Region Police Office (ARMM) Police, dakong alas-3:00 ng madaling araw nang magsagawa ng raid ang mga operatiba sa bahay nina Montawal Mayor Vickman  Montawal, kapatid nitong si Vice Mayor Ottoh Montawal at isa pa na kaanak ng mga ito na si Andy Montawal sa Brgy. Talapas, Datu Montawal ng lalawigan.

Gayunman, papasok pa lamang ang raiding team sa compound ng mga Montawal nang salubungin ng bala ng mga armadong bodyguards ang mga pulis.

Bunga nito ay napilitang gumanti ng putok ang mga operatiba na ikinasawi ng dalawa sa mga bodyguards ni Montawal na hindi naman natukoy sa ulat ang pagkakakilanlan.

Ayon kay Delos Santos, lehitimo ang nasabing operasyon base sa inisyung search warrant ni Judge Alandrex Betoya ng korte laban sa magkapatid na Montawal kaugnay ng paglabag sa Republic Act (RA) 9516 Anti Illegal Drugs at RA 10591 Anti Firearms and Ammunition Law.

Sina Montawal ay nasa narcolist ni Pangulong Rodrigo bagaman una nang itinanggi ng lokal na opisyal ang paratang sa pagsasabing wala itong katotohanan na umano’y paninira lamang sa pulitika.

vuukle comment

VICKMAN MONTAWAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with