^

Probinsiya

2 inmates natigok sa selda

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon
2 inmates natigok sa selda
Si Mogaz ay nakakulong sa Bacoor detention cell habang si Padernos ay sa piitan ng Dasma­riñas nang pareho silang makaramdam nang pana­nakit ng dibdib.

CAVITE  , Philippines  —  Dalawang inmates ang namatay habang nakakulong ka­bilang ang isang babae matapos na kapwa makaramdam ng hirap sa paghinga at pananakit ng dibdib kamakalawa sa lalawigang ito. 

Kinilala ng pulisya ang mga nasawi na sina Pilo Mogaz, 46,  ng Phase 3, Citie Homes, Brgy. Molino 4, Bacoor City at si Josephine Pa­dernos, 43, ng Blk. 13 Lot. 13 Brgy. San Antonio De Padua 1, Dasmariñas City, Cavite ay may kinakaharap na mga kaso sa ilegal na droga.

Si Mogaz ay nakakulong sa Bacoor detention cell habang si Padernos ay sa piitan ng Dasma­riñas nang pareho silang makaramdam nang pana­nakit ng dibdib.

Kapwa napansin ang mga biktima sa kani-kanilang selda ng mga kasamang preso na mga namumutla at halos hindi na makagalaw kung kaya agad nila itong sinabi sa mga on-duty jail officers. 

Mabilis namang nai­takbo sa magkahiwalay na pagamutan ang dalawa subalit namatay din habang ginagamot. 

Matatandaan na bago pumasok ang bagong taon, ilang preso ang naiulat din na namatay sa kaparehong sanhi. Isa sa mga dahilan na tinitingnan ng mga awtoridad ay ang sobrang pagsisiksikan ng mga inmates dahil sa rami ng bilang ng mga nakakulong sa bawat selda. 

Bukod dito, nagkakahawaan na rin sila ng mga sakit tulad ng  pigsa, tuberculosis o TB, diarrhea,  sakit sa balat, pananakit ng dibdib at iba pa. 

vuukle comment

CRIME

INMATES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with