^

Probinsiya

‘Eugene Domingo’, 2 pa tiklo sa P.5-M shabu

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Arestado ang tatlong katao kabilang ang isang kapa­ngalan ng sikat na komedyanteng aktres na sinasabing mga bigtime na ‘tulak’ ng droga matapos na masakote at makumpiskahan ng droga na tinatayang aabot sa halos P.5-milyon ang halaga sa isinagawang malawakang drug-bust operation sa Brgy. Pasong Camachile 1, Gen. Trias City, sa lalawigan ng Cavite, kamakalawa.

Kinilala ni Police Supt. Paul Bometivo, hepe ng pulisya sa lungsod na ito ang mga kalalakihang suspek na sina Eugene Domingo, Aaron Santos at Rein Aspuria, pawang mga nasa hustong gulang at mga residente rin ng nasabing lugar.

Sa panayam kay Col. Bometivo,  nakatanggap sila ng sunud-sunod na sumbong mula sa ilang concern citizen dito hinggil sa lantaran at talamak na pagbebenta ng droga ng mga suspek.  Agad na nagplano ang mga otoridad at ikinasa ang buy-bust operation na nagresulta sa pagkakadakip ng mga suspek. Narekober sa mga ito ang may mahigit sa 50 gramo ng shabu na tinatayang aabot sa halos P.5-milyon ang halaga at mga drug money.

vuukle comment

DRUG PUSHER ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with