^

Probinsiya

Mister pinabulagta sa irigasyon

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

TALAVERA, Nueva Ecija  , Philippines  —  Malungkot na Pasko ang sumalubong sa isang pamilya makaraang matagpuan ang bangkay ng kanilang ama na may tama ng baril sa isang irrigation canal Brgy. Esguerra ng bayang ito noong Martes ng umaga.

Ayon sa Talavera Police, bandang alas-7:25 ng umaga nang makita ang katawan ni Ernesto Punay, 59-anyos, isang magsasaka ng nasabing barangay. Nakitaan ng sugat sa dibdib ang biktima mula sa tama ng bala ng kalibre .45 baril, base sa pagsisiyasat ng mga tauhan ni P/Chief Isp. Emelda Roderos, hepe ng SOCO ng Nueva Ecija Police.

Sa tulong ng ilang eyewitness, natukoy ang dalawang suspek sa pagpatay kay Punay na sina Sonny Boy Paynor ng Brgy. Hilera, Jaen, NE; at Antonio Tiquia, 54, isang magsasaka, tubong Baliwag, Bulacan at pansamantalang naninirahan sa Brgy. Gulod ng nasabing bayan.

Nauna rito, nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo ang mga suspek at biktima noong bisperas ng Pasko, Dec. 24, hinggil sa patubig sa kanilang bukid na kanilang tinataniman ng palay. Agad na nahuli ng mga pulis ang suspek na si Tiquia habang nakatakas si Paynor.

Nakuha sa crime scene ang isang caliber .45 pistol na may magazine at lamang apat na bala at isang nalaglag na bala ng nasabi ring baril.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with