^

Probinsiya

Mabagal na paggawa ng Caduang Bridge inangal

Gary Bernardo - Pilipino Star Ngayon

PAMPANGA , Philippines  —   Dismayado sa kontraktor ang alkalde ng Macabebe dahil sa sobrang bagal sa paggawa ng Caduang Bridge sa nasabing bayan. 

Ayon kay Mayor Annette Balgan, binabalaan nito ang nakakuha sa proyekto na kung hindi pa matatapos sa darating na Enero 2019 ang ginagawang tulay ay mapipilitan itong ipakansela ang lisensiya ng kontraktor sa pamunuan ng Department of Public Works and Highway (DPWH).

Nabatid na sinimulan ang nasabing proyekto noong Mayo 2018 na matatapos dapat noong Setyembre 2018 ngunit naantala ito dahil sa sunud-sunod umanong bagyo na pumasok sa bansa na nakaapekto sa paggawa. Gayunman, nangako ang kontraktor na kanilang tatapusin ang tulay noong Nobyembre 30-Disyembre 15, pero hanggang sa ngayon ay hindi pa rin ito nakukumpleto.

Nagbanta pa ang alkalde na kapag hindi natapos ang tulay sa ibinigay nitong ultimatum ay mapipilitan na silang mag-rally upang kondenahin ang pamunuan ng DPWH. Hiling nito na gawin ang proyekto ng 24 oras araw-araw at sila ay magbabantay hanggang sa matapos ito.

vuukle comment

CADUANG BRIDGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with